MGA TEORYA
Linggo, Disyembre 1, 2013
Teoryang Dekonstruksyon
a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.
Teoryang Naturalismo
a. Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.
b. Pananaw Naturalismo
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.
2) Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
3) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
4) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
5) Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6) Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
7) Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)