b. Pananaw Eksistensyalismo
1) Malaya ang tao – siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.
2) Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
3) Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4) Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5) Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6) Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento