a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.
b. Pananaw Romantisismo
1) Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2) Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
3) Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga romantiko.
4) Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento